March 6, 2009

Pearly Shell

Pearly shell, from the ocean. Shining in the sun covering the shore. When I see them, my heart touch me that I love you..etc. Kinamulatan ko na ang sayaw na 'to. I was about the age of 5 nung una kong sinayaw ang pearly shell. Preparatory palang ako nun, syempre bida kaya join ako sa sayw. Kembot lang naman ang steps tapos with matching hand gestures pearly shell dance na kung matatawag. Ewan ko ba kung bakit nauso sa amin noon ang kantang 'to. Actuallt trademark ko na ang sayaw na yun, at kapag umuuwi ako sa probinsya namin at nakita ako ng mga kababata ko, lagi nilang pinapaalala sakin ang pearly shell. Pero ang pinakagusto ko dun ay yung costume, kasi revealing, hehe. Hawaiian style with matching garland sa kamay, paa at leeg na gawa sa santan na gawa lang ng mama ko. Hindi lang makaisang ulit kong sinayaw ang pearly shell kundi makailang ulit na umabot ata hanggang maging grade 3 ako. Ganun kamemorable sakin ang pearly shell.

No comments:

Post a Comment