March 6, 2009

Roy and Joy

Ito ang kantang kinaumayan ko nung grade one ako sa teacher kong si Sir Bobong. Para masanay na bumasa ng mabilis, pinapaulit-ulit niyang ipabasa samen yun. Minsan, pabilisan kameng magkakaklase. Ipinapakita sa tula ang pagkakaiba ng lalaki at babae. "Roy is a boy, Joy is a girl. Roy has a ball, Joy has a doll" etc. Gustong-gusto kong binabasa yun nung araw kasi kapangalan ko pa ang nasa title. Iniisip ko tuloy nun baka Roy ang pangalan ng soulmate ko. Pero ngayon naiisip ko hindi ganun yun, e kasi nagkaroon na ako ng kakilalang Roy at nagustuhan ko sya ng bonggang-bongga pero walang nangyari. Kaya I therefore conclude na mali ang iniisip ko noon sa tula.

No comments:

Post a Comment