
Tsk.
Katatapos lang magbasa ng blog ni Buy. Aun.
Drama nya infairness. Nahawa na sakin. Na bother ako ng husto sa blog nya. Not knowing na may mga self realizations pala sya. At kakatawa kasi narealize nyang miss nya ko..haha (joke). Chos lang.
Kagulat lang, kasi sa pagkakakilala ko sa kanya di naman madramang tao yun. Mababaw ang luha Oo. Josme, dahil kay Noa at Allie lang inubos ang tissue ko. Actually feeling ko naman talaga madrama sya, kaya lang sinasarili nya lang yun. May pagka secretive pagdating sa nararamdaman nya. Pinapakitang malakas sya kasi yun ang nakasanayan sa kanya. Pero minsan di natin alam deep inside hurting na sya. (agam-agam ko lang yun, wag masyadong paniwalaan, may pagka psychotic ako). haha. Pero aminin.........(tama ako).
Misunderstood daw sya, sabi nya. Siguro by others. At sa tingin ko na din minsan. Pero dahil kilala ko sya,(kung panu sya kumaen, panu mag toothbrush, panu mataranta, panu umiyak, panu maligo, panu matulog, at kung anu-anu pang panu) iniintindi ko nalang yung topak nya. Haha.
Despite sa pagiging outstanding nya sa madaming bagay, madami ding kahinaan yan. Kahinaang di nya mailabas at maipakita sa ibang tao. Kaya siguro namimisunderstood din sya ng iba.
Message for you: Confused kaba sa sarili mo? Andito lang ako, wag mag-isip ng kung anu-ano, di importante sasabihin ng ibang tao, ang importante kilala mo ang sarili mo at kilala ka ng mga taong nagmamahal sayo katulad ko.
Ikaw ang taong ginagawa ang sa tingin mong tama, pero di lahat ng akala mo tama ay tama talaga. Pero kung palagay mong galing sa puso ang nagbubulong sayo na tama ka, yun ay tama talaga.
Matapang kang tao, pero aminin mo na marami ka ring kahinaan, mga kahinaang madalas ayaw mong makita nila.
Ako, ako ang taong di nawala at mawawala sayo. Sa dami ng pinagsamahan nating apat, isa kayo sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Madalas kong sinasabi yan kasi I MEAN IT.
Pinapahalagahan ko bawat isa sa inyo. Di man pare-pareho ng trato, well kasi iba-iba kayo. Don't ever think na di kita appreciated, coz d hell not. Sabi mo kahit ikaw mismo minsan di mo na maintindihan ang sarili mo. Sa mga ganung pagkakataon mas naiintindihan kita kaysa sa maintindihan mo ang sarili mo. Magulo diba? Pero sana gets mo.
One thing that I love about you, is the way you make lambing to me. Di mo siguro alam pero yung paminsan-minsan na pagkikita natin at yung himas himas na ginagawa mo, it gives me warm and comfort.
................................................................................... I
I Love Her more than the way She Loves me. Pero walang sukatan ang pagmamahal kaya hangga't andito kami para sa isa't isa there will always be GIPIT family.
p.s Ako talaga ang drama queen..support lang sya.^^ at muli ako po si PUPUY, na nagsasabing.................................an drama ko. TSK. yun na.
No comments:
Post a Comment