Feb. 20, 2010, finally nag give-up si Lola. Iniwan nya na kami. It was a day of mourning. Feb. 25, 2010 umuwi kami dito sa Leyte. Feb. 28, 2010, hinatid namin si Lola sa huling hantungan ang araw na kinakatakutan naming lahat na dumating. But as what they have said, we have to accept for what happened and feel okay atleast okay na ngayon si Lola with our saviour.
May 05, 2010 na ngayon at birthday ni Lola. Nag 2 months na ako dito. Katapusan pa ng May ako uuwi, so aabot ako ng 3 months dito. Bale ang nangyari, nagkaroon ako ng bakasyon grande. Pero masaya na rin. I got the chance to find myself at ang daming experiences na kakaiba naman sakin.
Daming nangyari dito. andyan na yung mameet ko yung mga relatives namin and that was one of the most memorable moment for me. Lalo na ng makilala ko si Uncle Albert ang pinaka respetado sa Familia Valida. Nagka chance din akong makasama ang mga kababata ko ng matagal-tagal. May mga activities din naman dito yung mga teenagers kaya nakikisali ako. Nung May 3 lang yung fiesta naming mga dalaga at binata at ang sayang magingn part nun. Nagkaroon kami ng disco nung gabi ayon enjoy naman. Sa ngayon sinusulit ko na yung pag stay ko dito.
No comments:
Post a Comment