
Fly me up to where you are
Beyond the distant star
I wish upon tonight
To see you smile
If only for awhile to know you’re there
A breath away’s not far
To where you are..
I know now you're in heaven. I miss you La. I miss everything about you. Minsan pag bigla kang pumapasok sa isip ko, parang ang hirap pa ding isiping wala ka na. Pag nakikita ko yung mga pictures mo, nasasabi ko na sana di ka na lang muna nawala. Pero ang Diyos ang may alam ng lahat.
Mahal na mahal kita, sana alam mo yan. Salamat sa lahat ng bagay na nagawa mo para samin. Mula pagkabata inalagaan mo kami, you're the best grandmother in the world. Alam mo ba, sabihin na nilang mayabang ako, pero alam ko sa sarili ko na ako ang pinakamalapit sayo. Mula nung bata pa ako hanggang sa mga huling araw mo. Noon, lagi mo akong dinadala kahit saan ka pumunta lalo na sa mga fiesta at handaan. Di ko din makakalimutan nung niregaluhan mo ako ng barya nung recdognition day ko nung kinder. Nakuha ko ang attention mo na maraming taon, dahil matagal-tagal din akong nabunso sa pamilya. Hanggang paglaki, nagpapasalamat kami na hindi mo kami iniwan nila Mama. Napakalaki ng role mo sa buhay namin, di kalang Lola, humalili ka din bilang Ama saming magkakapatid. Sa lahat ng problemang hinarap at nalagpasan, andyan ka sumuporta at walang saang nagmahal. Kaya paanong hindi kita Mamahalin katulad ng pagmamahal na binigay mo samin.
Miss kita. Miss ko paglalambing mo sakin. Miss ko pag magpapakuto ka sakin, pag magpapagupit ng kuko, magpapasabon sa likod, magpapatapon ng ihi, at kung magpapaligo. Miss ko din kakulitan mo, at pag nagagalit ka. I MISS EVERYTHING ABOUT YOU BECAUSE YOU'VE BEEN A GREAT PART OF ME.
Naalala ko nung time na inatake ka. It was about 1:00 am, nang maisipan ko ng matulog at pumasok sa kwarto. Nadatnan kitang nakaupo sa kama. Nanghingi ka sakin ng kape. Tinimpla kita, binigyan ka ng tinapay, and then natulog na ako. Kinulit mo ko ng kinulit. Sabi "joy, kape tayo.", tumanggi ako, pero makulit ka paulit-ulit. I wonder kung bakit ganun ka? Something strange. Nakatulog na ako ng bahagya, ng bigla akong magising dahil maingay ka. Pagmulat ng mata ko, nakita kitang nakatingin sakin habang nakadilat yung mata mo. Nananaginip ka, sabi mo "ayaw niyo ako igapil-apil" paulit-ulit. Natakot ako, ginising kita pero ayaw mo gumising kaya ginising ko sila Ate Robang. Pinilit ka naning gisingin pero ayaw mo talaga. Natagalan bago ka mahimasmasan,kaya tinext namin sila Mama na nasa Carmona para umuwi. Kinalaunan, nahimasmasan ka din. Pero strange nga kasi nag-iba ka. You're acting like a child. Nagkwekwento ka about sa napanaginipan mo, all about sa Family mong patay na lahat. Nag bi-bay talk ka. Nakakaworry 'coz I thought nag-jump ka na sa stage papunta sa pagiging ulyanin. Then biglang umurong yung dila mo, hanggang sa di kana makapagsalita. iyak na kami ng iyak nila Chili. Nung dumating sila Mama,okey kana, nasa ulirat kana, hindi na nag baby talk at kwinento mo lahat ng naalala mo,pero di mo na maalala lahat ng kwinento mo habang nirerecover ka namin nila Ate Robang. Kahit nung oras na nanghingi ka ng Kape bago ka matulog hindi mo na maalala, ibig sabihin ang lahat ay PANAGINIP mo. We thought okey ka na. Nung umaga, bigla kang nanigas kaya dinala ka namin sa hospital. Emergency ka nun. Nakakakaba, akala ko yun na. Thanks God hindi pa. Malaking pasalamat ako sa Diyos na nagising ako nung mga sandaling ginigising kita. Nagpapasalamat ako kasi may isang beses na naligtas ko ang buhay mo.
First week of January 2010, bigla kaming napauwi ng wala sa oras dahil nagkasakit ka. Pinauwi mo din ako kaya nasama ako pag-uwi. Pag dating ko sa hospital, ang sarap sa pakiramdam na mayakap ka para icomfort dahil sa nakakaawang kalagayan mo. Malala ka na that time. Hindi ko malilimutan ang mga sandaling yun dahil isa yun sa mga huling sandali na nayakap kita, nahalikan at nakausap. Masarap sa pakiramdam na sabihin mong kahit ikaw lang naman ang umuwi okey na ako. Inuwi ka namin sa bahay the day after namin dumating. Its a miracle na you're still alive dahil sa lagay mo daw na yun, walang nag-akalang makakarecover kapa. Thanks God. That time I was given again the chance to do my duty as a grandchild. Naalagaan ulit kita, nagapakuto ka sakin, at sabi mo pa nga, miss mo na yung pagkukuto ko sayo, syempre dahil ako lang naman ang gumagawa nun sayo. Nagupitan din kita ng kuko, at napunasan ng katawan at nabihisan. Masarap sa pakiramdam na nagawa ko sayo yun, sa mga huling sandali mo. Nung araw na babalik na kami dito sa Manila, isang huling halik at isang huling iyak ang naiwan natin sa isa't-isa. KUNG ALAM KO LANG NA YUN NA ANG HULI, sana hindi nalang ako umalis.
FEBRUARY 20, 2010, when you finally give up. Ang sakit-sakit na wala ako sa tabi mo nung mga panahong kinailangan mo ng lisanin ang mundong to. 'Coz I know you also wanted me to be there. Sabi nila, sa mga huling sandali mo, tinatawag mo pa din ako, nanghihingi ka ng gatas sakin. Kaya ang sakit sakit para sakin na mawala ka. Kasi alam kong Mahal na mahal mo ako.
FEBRUARY 26,2010, muli tayong nagkita. Pero ayaw mo na akong tingnan, ni ayaw mo ng umimik. Nakahiga kana lang habang nakangiti. Alam kong masaya ka kahit na alam naming kung ikaw ang papipiliin ayaw mo pa. Masaya ka kasi kasama mo na si Lord, at mapayapa ka na dyan.
Wala lang La, naisipan lang kitang sulatan. Kasi miss na talaga kita. I Love You.
P.S. SEE YOU THERE......HOPEFULLY....NOT TOO SOON :)
-BJOY
No comments:
Post a Comment