kaninang-kanina pa
mula nang ako ay mahiga
nauumay na kakahilata
ngunit mata'y nananatiling sariwa
pinatay na ang ilaw
kahit takot sa bakulaw
uminom na rin ng gatas
pero mata'y ayaw paawat
gusto ko ng matulog
kulang nalang ulo'y iuntog
anong oras na ba?
pambihira malapit ng mag-umaga
naisip ko na ang nais isipin
kung saan-saan ibinaling ang paningin
pinatugtog na din ang radyo
naalala tuloy ang dating syota ko
hirap pala pag tinamaan ka nito
daig mo pa ang mainlab sa gwapo
nais ko nang ito'y mawala
sakit na kung tawagin ay INSOMIA
No comments:
Post a Comment