Ang dameng nagtatanong bakit daw ako si
bjoy_pupuy o kaya
bjoyakapuy o kaya
pupuy simot gipit
o sa mas simple si pupuy o puy.
Saan ba nanggaling ang pupuy?
Mahabang kwento pero paiiksiin ko na.
Nagsimula ang lahat noong January 09,2009.
Isang malamig na umaga sa lugawan sa labas ng Cavite State University, Indang Campus.
Kumain kame ng lugaw ng mga karoom mate ko sa dorm na sila Marj, Mia at Jaja.
Kumanta kami sa videoke ng kantang Goodbye to you, handog sa mga kaibigan naming koreano na paalis na ng mga panahong yun.
Ang tawagan namin ng mga panahon na yun ay BOY.
Tinawag ko si jaja, at nadoble ko ang pagkasabi ng boy at naging BOBOBOBUY.
At doon nagsimula ang lahat.
Mula nun tinawag ko na syang BUBUY at pinatupad na ito bilang batas naming apat.
At dahil sa Bubuy, nagkaroon na din kaming tatlo pa ng codename.
Si Mia ay naging si DADAY,
si Marj ay naging si MUYMUY
at ako ay naging si PUPUY.
Ang middle name namin ay SIMOT, sapagkat tuwing may pagkain kami, di pwedeng hindi masimot sa katakawan naming apat.
At ang apelyido naman namin ay GIPIT, sa simpleng dahilan na lagi kaming gipit.
at doon nagsimula ang kwento ng pamilyang GIPIT na sina
PUPUY, ang inay
BUBUY, ang panganay
MUYMUY, ang pangalawa at
DADAY, ang bunso.
At yun ang sagot sa mga katanungan ng marami kung bakit PUPUY.
At ngayon magpapakilala ako sa inyo,
AKO PO SI PUPUY SIMOT GIPIT.
simply call me PUY.
BOW....
No comments:
Post a Comment