December 16, 2009

MANILA

DECEMBER 13-14, 2009

Pupuy's Adventure

After a long time nakapunta ulit ako ng Manila. Nagkita kami ni Papa sa Taft, sa may Pedro Gil Station as always kung saan kami nagkikita. Dumating ako before 8:00am, I was waited for him for a while. Nung dumating sya nag-usap lang kami sandali at napaka awkward ng pangyayari. Nararun-out kami ng topic. As expected di man lang kami umabot ng 1 hour then he left me na.

After, nagsimba ako sa Simbahan dun sa tabi ng pinagkitaan namin. Cathedral chorva yung church di ko maalala yung full name nya. Sakto may first mass, nakakatuwa kasi sa communion yung ostia sinasawsaw sa wine. First time ko makaencounter ng ganun. Ussually kasi ostia lang. After ng mass nirecognize nung pari yung mga first timer na nagsimba sa church nila. Pinatayo kami at pinalakpakan. Natuwa lang ako. Ang ganda ng Parish nila.

Pagkalabas ko ng simbahan kumain ako sa katabing Jollibee ng simbahan. Pancake at Hot chocolate lang. Breakfast. Then, nagproceed na ako sa SM Manila kasi usapan namin ni Chum Ajil na magkita dun. Kaya lang 1:00pm pa sya available. No choice ako kundi maghintay sa kanya for a long time kasi wala talaga akong choice.

I went there at 9:00am, pagdating ko dun may mass ulit sa loob ng SM Manila, ganun talaga dun every Sunday may mass before sila mag-open ng 10:00am. So pumasok ako at nagsimba ulit. Sumubo ulit ng ostia pero this time wala ng wine.

After ng mass nag start na ang adventure ni Pupuy, nagpabalik-balik sa loob ng mall. Akyat, panaog walang katapusan. Nagpa-ear pierce na din ako sa Unisilver. Ouch sakit. Namiss ko bigla ang Sm Manila, ang dami ng pinagbago. Syempre di pwedeng di ako pumasok sa Broadway Gems, kasi yun ang favorite kung boutique na pasukan nung bata pa ko. Haha.

It was about 12:00pm at wala pa si Chum, kumakalam na si sikmura so kumain na ko. I eat alone again at Jollibee (chicken barbecue). Ewan ko ba kung bakit pero there was times talaga na I tend to be alone, di sa loner ako pero ewan ko, na-eenjoy ko sarili ko pag ganun. As expected late si Chum, natingnan ko na lahat ng books sa National Book Store. 1:00pm ang usapan dumating 2:00pm. Nice.

Pagdating nya kumain ulit kame sa greenwich, syempre libre nya. Ako pa, napaka....Haha. Super kwentuhan. As in kwentuhan galore sa greenwich. Ilang customers na yung umupo at tumayo kami di pa din natitinag. After 2 hours tumayo na kami at nag-ikot. Nag-ikot ng nag-ikot. Si Ajill talaga oh, kahit kelan napaka full of surprises. Sya yung taong gagawin lahat to make a certain people happy. She ask me for an specific gift that I want to recieve from her for Christmas. Then dahil choosy talaga ako, I said the elmo jacket at SM department store. She asked me that a long time ago na. That day she bought it for me. Soooo hapinness. After bumili nung jacket, nagutom ulit kami so Mcdo naman kami. Super bonding kaming magbest friend. I'm so happy that day. Now, I'm looking forward talaga na makabawi sa kanya for all her generousity sakin. Actuallty I have an idea na on what Am I gonna buy for her on her birthday.

After that another bestfriend of mine texted na, nasa bahay na daw sya. So time for me and Ajill to be apart since punta naman ako ng Tondo, kasi kela Jonah ako nagsleep that night. Nagpahatid ako kay Chum sa Tayuman. Nag LRT kame. Takot ako,it's been a long time na since the last time I went in Tondo. Pagbaba namin ng Tayuman, nakakaculture shock sa sobrang ingay ng mga sasakyan, nagsasagutan ng busina yung mga jeep. Nakakaaliw at nakakamiss. Naghiwalay na kami ni Ajil, sumakay na ulit sya ng LRT, sa wakas natapos na din kalbaryo nya sakin. Haha. Ako naman sumakay ng tricycle papunta ng Raxabago, kela Jonah.

Mukha akong tanga sa tricycle, tumitingin-tingin sa paligid at minamasdan lahat ng madadaanan. Nakakamiss din pala. Pagdating ko kela Jonah, ayon kwentuhan. Wow after 3years nagkita ulit kami. Ganun pa din sya, maputi pa din, maitim pa din ako, lalo't pag pinagtabi kami. Haha. 12:00am na kami natulog. I had a nice sleep naman.

Kinabukasan sinama nya ko sa pinagtatrabahuan nya. Magbabakasakaling mag-apply at matanggap. But unfortunately, alam na...... !Hays. Di ko masyado kabisado yung place kasi sa QC na yun. At di ko na sya kasama pauwi. Before ako sumakay ng jeep pa Sta. Cruz, kumain muna ako ng lunch sa jobee ulit. Actually late na yung lunch ko kasi 2:00opm na ako natapos sa interview. Pero no hard feelings naman ako na hindi ako natanggap. At wala ako masabi dun sa may-ari ng company, I saw it na mabait sya. Si Frank. Nung pag order ko sa counter napansin ko artista pala yung katabi kong umoorder sa kabilang counter. Di ko alam name nya, pero character actor sya na kung di kontrabida ay Tatay lagi yung mga roles nya.

After ko kumain, sumakay na ako ng jeep pa Sta. Cruz at pagbaba ko dun, deretso sakay ng bus pa-Dasma City. It's time for me to go home. Nakatulog ako sa bus. Pagdating ko ng bayan, kumain ako ng fishballs at mangga na may alamang. Pagkauwi bagsak. And that ends may 2 days adventure in Manila.

No comments:

Post a Comment