September 27, 2010

I ♥ Doc

This is just a repost. Walang mai-blog :D













Marlon G. Caravana. Finally, the long wait is over. Ang tagal na kitang hinahanap sa web sa wakas nakita din kita. May facebook ka naman pala. Tsk. Napakasaya ko ngayong araw na'to. Kagabi napanaginipan kita, nagkita tayo sa panaginip nga lang, pero ang saya ko dahil dun, kaya eto bumabalik tuloy yung obsession ko sayo. Tsk.

Sino ka nga ba sa buhay ko? Ikaw? na ni hindi mo nga ako kilala. Siguro dati at siguro kung ipagdudukdukan ko yung mukha ko sayo maaalala mo na ako yung dati mong pasyente sa OMMC. Yung makulit na batang patay na patay sayo na naibroadcast sa buong ward na crush kita. At ano nga ba ako sayo? Ako?, ay isang obsess na bata noon sa Doctor nya. Grabe! Ang lakas talaga ng tama ko sayo.

Last July 8, 2006 nung una kitang makita. Schedule ng admission ko sa Ospital due to Major Operation na mahirap ng ipaliwanag pa dito kung ano ang inopera sakin. Naghihintay kami nun ng mama ko sa aquarium room sa Emergency room ng OMMC kasama yung ibang patient who became my friends. They we're Ate Guia, Weng, Lady other (patient's) and Kuya Randy and Nanay Minda, and Yayan( bantay nila). Hinihintay namin kung san yung magiging room namin. Pero before kami dalhin sa room, may examination pa pala. Dun kita unang nasulyapan, palakad-lakad ka sa ER. Sabi ko, "shit ang cute nya". Di ko sukat akalain na papasuk ka dun sa aquarium room para kunan kami ng dugo. Hay, ang laki ng takot ko sa dugo pero nung pagkakataong yun, di ko yung naramdaman dahil sayo. I can say talaga na what I felt for you was Love at First Sight. Totoo yun. Nung inakyat na kami sa room namin, naging close agad namin ng Mama ko yung mga karoom mate ko. Kwentuhan galore at tinitukso nila ako sayo. Isa na namang di kaaka-akala, assign ka rin pala nun dun sa ENT Ward. Kaya pala paikot-ikot ka dun at balik-balik.

Kinabukasan, July 09, 2006, madaling araw, may gumising sakin habang nasa kasarapan ng tulog. Nung una ayoko gumising kasi antok ako. Pero nung makita ko na ikaw pala yung tumatapik sakin, dali-dali akong napabaligwas. Nakakatawa pag naaalala ko. Haha. Kinunan mo kami ng temperature at BP. Dumaan ang mga oras, sa tuwing dumadaan ka sa room namin, sobrang saya ko at sobrang panunukso ang natatanggap ko mula sa mga karoom mate ko.

July 10, 2006, the day before the operation. Yung ang pinakamasaya at pinakanakakahiyang araw ng buhay ko. Okay naman, inspired pa din dahil sayo, to think na dapat kinakabahan ako dahil ooperahan ako kinabukasan, pero dahil sayo wala akong naramdaman na kaba. Iba ka talaga. Nung araw na yun dinalaw ako ng best friend kong si Ajill. Excited ako na makita ka nya. Hinanap ka namin sa buong ward pero wala ka. Lumabas kami ng ward kahit di na ako allowed lumabas nung time na yun. Yung tag ko sa kamay tinabunan ko ng jacket para di makita na pasyente ako. Ang galing ko diba?

Nung bigo kaming makita ka sa buong hospital, bumalik nalang kami ng ward. Dissapointed ako nun kasi di ka makikita ng best friend ko. Nung malapit na kami sa Nurse station, kinabahan ako kasi ang daming doctors at nurses. Baka hinanap na nila ako, lagot na. Pero habang papalapit kame ng papalapit, nakita kita, isa ka sa mga nagkukumpulan dun sa nurse station. Sa sobrang excitement ko, I said, "Jill, ayon sya oh. yung gwapo, yung gwapo, yung mahaba buhok." then, we reached our room. (Haha. kasalukuyan akong natatawa sa mga pinag gagagawa ko. groooose!)

Maya-maya pa, habang nagkwekwentuhan kaming lahat sa kwarto dahil andun din nung mga panahong yun si Doc. Ivan (nag-opera sakin), kinukulit namin sya nun. Biglang dumating sa room si Doc. Naida. Kinausap nya si Doc. Ivan at sabi: "buking na 'to Doc. e...(sabay tapik sa may bed ko at nakatingin sakin). " Nagulat ako kaya sabi ko:, " po? hala bakit?". Sabi nya: "kunwari kapa e, sabi mo nga dun kanina, ayon oh, yung gwapo, yung gwapo, yung mahaba buhok." HAHAHAHAHAHA. AAAAAAT Basag ako. Sobrang hiyang-hiya at para akong yelong unti-unting natutunaw nung mga panahong yun. Tawa ng tawa lahat ng tao sa room, inaasar nila ako, kahit si Doc. Ivan, nakisakay. Tsk. Isang malupit na kahihiyan.


Nung gabi na, it's our time to shine. Lalagyan na kami ng swero dahil kinabukasan na yung schedule for the operation. At ikaw ang naglagay ng swero. Ako pa nga dapat ang uunahin mong lagyan saming apat na pasyente. Pero dahil sa sobrang takot ko, di ako pumayag, kaya ako nalang yung huli. Buti pumayag yung mga kasama ko. Nanginginig na ako nung mga panahong yun. Ni hindi ko na naisip pa na crush nga pala kita. All I know is that, patay na ako. SWERO yun, isa sa greatest fear ko in life ang malagyan nun, tapos nung mga sandaling yun, ilang minuto nalang at ako na ang tuturuka. Aw, saklap.

Nung ako na talaga, tahimik na ako. Nung hinawakan mo na yung kamay ko, yung mga ka room mate ko, pati mga bantay nila, kinilig. Tsk. Inaasar na naman ako, kaynis. Natawa ka nung mahawakan mo yung kamay ko, kasi nanginginig ako at sobrang lamig. Dahan-dahan mo kong pinakalma at binola na hindi masakit yun......at......sinabi mong "saglit lang to, di to masakit", "huminga ka lang ng malalim".............at yun na ata ang pinakamahabang hinga ko sa buong buhay ko. At sobrang sakit talaga. Ouch, tagos hanggang buto. Nakakabwiset ka nun, sinungaling ka, sabi mo di masakit. Ang sakit kaya. Nagtawanan kayong lahat nung matapos mo akong turukan kasi nakita nyo yung Mama ko na umiiyak sa sobrang awa sakin. At sabi mo sakin: "kita mo na Mahal na mahal ka ng Mama mo". Weh, bola. Echoserang frog ka rin e.

July, 11, 2006...Operation day. Ang saya ko nung pinasok ako sa OR. What a nice experience. Mantakin mong inoperahan ako dahil sa gusto ko lang. Ang sarap sa pakiramdam na yung nakikita ko sa tv pag may naoospital, nangyayari sakin. Yung screen na may heartbeat tapos kung anu-ano pang pinaglalagay sa katawan ko, hanggang sa kanatulog na ako.

Nung nagising ako, nasa Recovery room na ako. Ikaw ang una kong nakita nung mamulat ako. Inalagaan mo ko, syempre dahil pasyente mo ko. Haha. Bumabalik ka sakin maya't-maya para kunan ako ng BP at temperature. Kinikilig naman si Gaga. Hirap akong lumunok nun, kasi ang sakit kaya pag bagong opera. Di ko malunok yung laway ko, kaya kusang tumutulo at pinupunasan mo. Dahil sa pilya ako, sinasadya ko na talagang magpatulo ng laway sa bibig ko para punasan mo. How sweet naman. Haha. Nung time na para ibaba ako sa room, ikaw yung nagbuhat sakin...uy para sakin may malisya yun kait pano ha. Ikaw na ang naka dress for operation tas naka underware lang. Haha. Napakamalisyoso ko talaga. Haha. Nung binuhat mo na ko papunta sa kabilang stretcher, ngumiti ka sakin at sinabi mong: "uy, bababa na sya..pagaling ka". Ang saya ko nun, then nag smile lang din ako sayo.

Dumaan ang mga araw malungkot na kasi marerelease na ako. Uuwi na ako. Sa totoo lang ayoko na ngang umuwi nun e. Dahil sayo. Di kana pumapasok sa room namin kasi may bago kanang mga patients. Pag dumaan ka, masaya na ko nun. Umalis kami ng di na kita nakita. Akala ko, di na kita makikita ulit. Napakalungkot ko nun.

July, 17, 2006, bumalik kami ng OMMC para sa follow up check up ko. Di pa rin kita nakita kahit pa hinalughog namin nila Ate Guia yung buong Ospital ng Maynila Medical Center. Nung lumabas na kami ng Hospital, nag-abang kami ni Mama ng bus pa Dasma sa tawid ng OMMC. Ang kaso, rush hour kaya lahat ng bus puno at may mga standing na din. So no choice kami kundi tumawid ulit sa OMMC para dun mag-abang ng bus. Magraround trip kame. Sasakay kami ng bus galing dasma papuntang Sta. Cruz para nga naman makaupo kami. Galing talaga ni Mama.

Kahit sa mga huling sandali na yun, nagbabakasakali pa rin akong makita ka. Nakatingin lang ako sa kalsada, nang mapalingon ako at napunta yung dereksyon ng mata ko papunta sa Manila Zoo, nakita kita. Nakatalikod ka, pauwi ka na sa Leviriza kung san ka nakatira. Kahit nakatalikod ka, alam kong ikaw yun. Yung buhok mo, yung sapatos mo, yung relo at yung bag mo. Tumalon halos yung puso ko, "bus pls. bus"..yun ang sabi ko sa sarili ko para maabutan ka namin makita ko man lang for the last time yung mukha mo. Dumating si bus. Dun talaga ako umupo sa right side at nagmadaling umupo. Nakadungaw ako sa bintana at looking forward to see you. Di naman ako nabigo, nakita kita dun sa may plaza. Nasa gitna ka, sa may swing. Haha so hapiness. For the last time di ako nabigo. Infairness, pinagdasal ko talaga yun. Haha.

And that Ends my story with YOU...DOC.!.

No comments:

Post a Comment