December 28, 2010

The Seven Things I Hate About You

1. Ang gulo mong tao. Maglalambing ka tapos minsan, ay! madalas pala binubully mo ko.

2. Sinasabihan mo akong mahal mo ko pero pabiro.

3. Madalas mo akong pagselosin, hindi naman talaga sa nagseselos ako, nakakainis lang kasi alam kong hindi totoo at trip mo lang talaga akong pagselosin.

4. Sa mga tingin mo natutunaw ako.

5. Noong inamin ko sayong mahal kita sabi mo wag kitang mahalin. Masakit kaya!; pero sabi ko sayo diba okey lang.

6. Hindi mo ko mahal pero gusto mo lagi mo kong nakikita, laging kasama, katabi, kayakap, katext. Hindi mo ko mahal pero ngayong magkalayo na tayo lagi mong sinasabing miss na miss mo na talaga ako.

7. At ang pampito, I hate YOU oink kasi bakit mahal kita? Bakit ikaw pa? Eh ang sama-sama ng ugali mo, napakayabang mo, hindi ka gwapo, chain smoker ka, lakas mo uminom, ma-barkada, maloko, lahat ng kawalang hiyaan alam mo. Pero alam mo lahat yun tanggap ko kasi sobrang mahal talaga kita. ;(

No comments:

Post a Comment