Hay naku, nakaka frustrate talaga. It's been a month na din akong walang work. I keep on finding kaso lagi namang walang nangyayari. Ubos na budget ko kaya lalong nakakatuliro. Iniisip ko tuloy ang unfair talaga ng tadhana sakin, bakit lagi nalang may mga difficulties na dumadating, di pa nga natatapos yung isa heto na naman at may dadagdag pa.
Pero alam ko namang masamang magtanung o question-in si God sa kung anuman ang pinagdadaanan natin sa buhay. Kaya iniisip ko nalang parte talaga to ng buhay. Kaso lang minsan di ko maiwasan magtanung, bakit naman yung iba hindi ganito kalala yung dinadanas nilang crisis not unlike me. Pero sinasagot ko din naman ang tanong ko, well siguro kasi iba-iba ng paraan ang Diyos kung paano nya tayo susubukin sa buhay. Iniisip ko kasi minsan napaka unfortunate kong nilalang dito sa lupa pero damn! na pag-iisip, how come naiisip ko yung mga ganung bagay eh ang dami ko ngang napapanuod sa tv sa mga documentaries, ang daming Pilipinong nagugutom, so I'm still lucky na kahit paano eh may nakakain pa ako tatlong beses sa isang araw.
Hay, nagdadrama lang talaga ako, ang hirap kasi makahanap ng trabaho. I've been through a lot pero wala pa ding nangyayari. Hopefully sa mga susunod na araw makatanggap naman ako ng goodnews. Sana! :|
ms bjoy kapag lalo mo iniisip na u nfortunate ka, papatunayan ng mundo natin na malas ka talga. pero , itry mo. isigaw mo na isa kng swerteng tao. blessings will come
ReplyDelete@kikilabotz: thank you :D
ReplyDeletewag kang mag-alala kapatid. wala din akong work. haha
ReplyDeleteisipin mo nalang ang inaapi ng tadhana ang siyang pinagpapala! :D
di lang ikaw ang dumadaan sa ganyang stage...
ReplyDeleteTry mu kaya online works...
ReplyDelete