- Hindi ako echoz para sabihin na gusto ko walang umiyak. Ang gusto ko lahat iiyak, ang di umiyak patay sakin.
- Dapat maganda yung kabaong ko, pati yung damit na suot ko, pati hair and make-up at dapat nakasmile ako.
- Hindi pampatay na kanta ang tugtog kundi lahat ng favorite songs ko.
- Dapat may program. Magpeperform lahat ng friends ko. May kakanta, sasayaw at magbabakte.
- Dapat may tribute sakin na naka movie maker o naka powerpoint.
- Dapat may attendance lahat ng maglalamay, para pag may absent, multa.
- Gusto ko may crying ladies, marching band, magicians at clowns.
- Lahat ng makikipaglamay dapat may dalang regalo para sakin, para may baon ako papuntang paraiso.
- Gusto ko, gusto ko at gusto ko na dalawin ako ni Chris Tiu. Tapos bigyan nya ako ng jersey nya na may signature at ilalagay sa coffin.
- Gusto ko sisihin sa pagkamatay ko lahat ng kaaway ko, inaway ako, at kinaiiritahan ko.
- Gusto ko present lahat ng papables ko.
- Pag libing ko na dapat magpapalipad ng white baloons na may message.
- Lahat ng regalong nakulekta isasama sa libing ko, dadalhin ko nga kasi sa paraiso.
- Wag kayong mag-alala, di ako magmumulto. Kasi ako man takot sa multo.
March 7, 2009
Pag AKo Namatay... Bow
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment