May tatlong buwan din akong natira sa hometown namin sa Leyte. Tatlong buwan nagtiis mag-igib sa balon dahil yun lang ang bukod tanging source ng tubig dun, in short WALANG GRIPO. Hindi naman ganu kadami ang reklamo ko sa pagtira dun, marami din namang masayang pangyayari bukod na nga lang sa pag-iigib mo twice a day at may dala kang dalawang timba at ilang beses kang babalik dahil napakadami mong drum na pupunuin. Malaki na nga ang braso, lalong lumaki.
Na-enjoy ko naman ang pag-stay dun lalo na tuwing may handaan dahil pag may okasyon panigurado may tuba. Yumi. Sa tatlong buwan kong pagtira dun, nakasama ko ang mama ko ng medyo matagal, since nasanay na akong di kami magkasama. Masaya naman ang bonding namin, tulungan sa gawaing bahay, at kung anek-anek pa. Nasa bukabularyo ko na ang hindi mawala ang kasungitan at katarayan sa pagmumukha ko. Pero hindi naman laging lumalabas yun, sa tuwing buwiset lang ako sa mundo at kung may dapat ikagalit at may mga taong nakakagalit. At kung may mga taong masarap paglabasan ng galit na din.
Ang kinaiinis ko lang sa Mama ko at sa Tita ko na din, e yung paniniwala nila tungkol sa mga naipanganak ng Marso. March 16 ang birthday ko, samantalang ang pinsan ko naman na anak ng Tita ko ay March 27, at ang isa pa naming pinsan na anak ng isa ko pang Tita ay March 24. Palibhasa fire prevention month ang buwan ng kapanganakan ko e, dun ata nila nakuha yung paniniwalang yun. Lahat daw ng ipinanganak ng Marso ay masususngit at bugnutin. WTF. How come? Tsk. Nanay ko talaga. Sumasabat ako, sinasabi kong kasalanan ko pa at ipinanganak nyo ko ng Marso, edi sana nagpigil kayo at inire nyo ko ng Abril.
Baliwala sa kanila ang pagsabat ko, asar talo pa rin talaga ako. Tawa sila ng tawa at isang katunayan daw na totoo ang paniniwala nila ay kaming tatlong magpipinsan na ipinanganak ng Marso. Lahat daw kami ay bugnutin, madaling uminit ang ulo at tupakin. Napaisip ako kasi somehow totoo nga yun. Pero di ako papatalo sa kanila kaya bumanat ulit ako, bakit may scientific explanation ba yang pinagsasasabi nyo? Gumagawa lang kayo ng sarili nyong teorya e.
Lalo akong natalo sa usapan dahil sabi nila, di na daw kelangan pa ng scientific explanation dahil ako palang daw ay isang malaking katibayan na. Ok wala na akong nagawa, lalo na nung makita kong tumatawa din yung pinsan kong ipinanganak ng March 27, parang tanggap nya na ganun nga sya. Ok sige na wala na akong palag.
Mula nun sa tuwing magsusungit nalang ako ay nababanggit yun ni Mama sakin, pag nagkataon pang may bisita sa bahay at wala ako sa mood, idadaldal nya din yun. Tsk.
Sana April 16 nalang ako ipinanganak para hindi issue kung bakit may mga pagkakataong masungit ako. Di naman ako masungit ah, hindi rin naman ako bugnutin, lalong di rin naman ako mataray, pero minsan lang. Bulong ko sa sarili ko.
^_^ napadaan me here. haha. buti na lang at hindi marso ang bday ko. ^_^..bwahahaha
ReplyDeletehahaha. thanks for following me. mag-post ka na din ng blog para i-follow kita.
ReplyDelete