"Kung walang tiyaga, walang nilaga". Ang pinaka panis na kasabihan ng mga Pilipino. Minsan naisip ko lang, ilang araw ba tumatagal ang nilaga? Baka kasi katya-tiyaga ko e, mapanis na yun.
Lagi nalang tayong pinaghihintay ng panahon, ng pagkakataon, hindi ba pwedeng ang panahon ang humintay satin paminsan-minsan? Maraming mga bagay kasi na madalas tayong naghihintay.
Hinihintay mong may mahulog na pera mula sa langit kasi tinatamad ka ng magtrabaho, e dyos ko, gaano katagal ka pa maghihintay nun? Hinihintay mong mamatay ang iyong MMMM (matandang mayamang madaling mamatay), e nagme-maintenance ng gamot yun at may healthcard sya, so wala kang choice kundi pagtiyagaang amoy-amuyin ang isang gurang na amoy lupa. Mukha ka kasing pera. Hinihintay mong magustuhan ka ng crush mo, e dyos ko, halos 95% naman ng nagkaka-crush, yung crush nila walang crush sa kanila. 3%lang dun ang nagustuhan din sila, at ang masaklap na 2% nagustuhan sila di dahil mahal sila, in other words PINAASA.Pero ang pinakamalupet na pag-hihintay e yung mag-c-cr ka dahil lalabas na si wee-wee o si poo-poo, e napakahaba ng pila sa cr. Pinagpawisan ka na't lahat, kulang nalang murahin mo yung nasa loob. Di mo na maipaliwanag ang nararamdaman mo, pigil na pigil ka na, tsk nung turn mo na, biglang nagbara yung bowl, no choice ka kundi pumila ulit sa kabilang cubicle. tsk saklap nun.
Well, siguro nga tama din naman yung panis na kasabihan, ika nga sa ingles, Patience is a Virtue. Walang bagay na hindi pinaghihirapan, walang bagay na mapapasayo ng wala kang ginagawa. Kung hindi mo mahintay ang isang bagay, hindi mo talaga sya makukuha at kung patuloy ka namang naghihintay pero di dumadating sayo, hindi para sayo yun.Bawat bagay ay nakalaan sa tamang tao, tamang panahon at pagkakataon.
Ang di ko lang talaga maintindihan e kung bakit "panis na nilaga" ang title nitong blog na to, kasi dapat malungkot ang tema ko dito e, ewan ko ba bat napunta sa usapang nilaga. Ayan, nauwi tuloy sa ewan yung blog ko. Yaan mo na, ganun talaga siguro pag wala kang maisip.
No comments:
Post a Comment