
LINNY,TUCK AT SI MING-MING. ANG WONDER PETS NA TUTULONG SA INYO. LOL.
Finally after 8 months, nagkita-kita ulit kami ni Senyora at Chenelyn Chorva. Nag Lunch date kami last Aug. 1, 2010 sa Mang Inasal sa Robinsons DasmariƱas.


Kwentuhan galore ng mga updates sa isa't-isa. No pets allowed kami kaya walang dalang jowa si Nyora. Haha. Ayan tampo tuloy si Pareng Ahrlone, di sya nakasama.
Uber kwento kami lalo na ako. Haha. Kelan ba ako nagpahuli sa kwentuhan? Pero si Nyora ang may pinaka hot pasabog saming tatlo. Kaw ba naman ang ma-torn between "two lovers". Haha. Sya na mahaba buhok. Abot hanggang General Trias Cavite. Haha.
Panu ba naman, inlove sya sa ka-work mate nya. Di lang yun, MU sila. Kaso uber complicated kasi pareho silang committed. Shet, yun ang nasabi ko. Huhu, ang hirap kaya malagay sa ganung situation. Aware naman sya na nakakasakit sya ng feelings pero minsan talaga dumadating si temptation sa buhay love life ng tao.
May ilang taon na ding mag-on si Nyora at Pareng Ahrlone, ang dami na ding nilang pinagdaanan together, nakailang jerjer na rin sila. Haha. Ay naku senyora pag nabasa mo to pagpasensyahan mo na ako. Haha. Pero nung dumating si Jaime, biglang nagbago lahat. Masaya daw sya pag kasama nya si Jaime, nagsimula daw sila sa tuksuhan hanggang sa nadevelop sa isa't-isa. Pano na si pareng Ahrlone, tanung namin ni Chenelyn Chorva na concern naman sa relationship nya with Pare. Nanlalamig daw sya lately kay pare, naisip ko naman naku kulang lang sa jer yan. Lol. Mga naiisip ko talaga.
E panu ka nga naman hindi mamlalamig sa tao e, nakatuon yung atensyon mo sa iba. Hay naku Nyora, nagiging unfaithful ka sa ginagawa mo. Bad Cheetah. Haha. After namin magkita, nagforward sya sakin ng text na galing kay Pareng Ahrlone, sounds like nakakatunog na si Pare sa pinag-gagagawa nya. Naku paktay na. Tsk. Bilang advice sinabi ko na kelangan may igive-up syang isa. Pero ingat syempre, kasi kung si Jaime ang pipiliin nya, di pa naman sya sure sa feelings nya dun, malay ba natin kung panandalian lang yan, o dala lang yan ng landi o kati. Haha. E kung si Pare, atleast sure sya dun, kilala na ng pamilya nya, matino naman sa pilit haha.
Ay naku senyora, madali ka at pagnilay- nilayan ang mga bagay na yan. Sana sa huli wala kang pagsisihan. Dahil kung nakakasakit ka ngayon, malamang sa huli kaw ang masaktan. Kaya go and make a right choice. Kung mabasa mo man to. Haha.
Anyway mabalik tayo sa kinakanta ko kanina, yung "LINNY, TUCK AT SI MING-MING ANG WONDER PETS NA TUTULONG SA INYO" haha. Kaming tatlo naman ang wonder puppets, si Nyora si Linny, si Chen si Tuck at ako naman si Ming-ming... at kami ang wonder Puppets. hahah.
No comments:
Post a Comment