August 9, 2010

Ay Ambot!




Ano ba tong naiisip ko? Bakit tila datapwat subalit naguguluhan ako? Ang gulo ko talaga minsan. Napaka-epal ko. Ang hirap intindihin ng sarili ko. Ano nga bang problema ko, at bakit ako nababalisa ng ganito ngayon?

Ang sama ng pakiramdam ko, di ko alam kung ano nga bang dapat kong maramdaman? Ang hirap talagang makipag-talo sa sarili mo. Lalo na kung kontra ka ng kontra sa sinasabi ng puso mo. Shet ang corny ko na. Laslas na ko.

In the first place bakit ko nga ba nararamdaman to? Yung feeling na di mapalagay, yung tipong isip ako ng isip kung anu nga bang pwede kong gawin? E ano nga bang iniisip ko? Bakit ba ako naguguluhan? Ay naku Pupuy, minsan talaga may sayad ka e noh? Tsk.

E kasi nga may nakita ako kanina, nakita ko na ayon, yun na yun. Ang laki ng problema ko, walang kwenta. Adik ata ako e. Bakit ba pag sa ganitong sitwasyon ang plastic plastic ko? Nakakainis talaga ako. Laslas kana nga. Emo ka e. Bwiset.

Ih! kasi naman, anu bang dapat kong gawin? Bakit an sama ng araw ko bigla? Hay naku, napapraning kana naman e. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah ang sarap sumigaw. Naiinis ako sa sarili ko, panu ba gagawin ko? Akala mo naman buntis ka, makaproblema ka ng problema mong walang kwenta.

Oo na sige na. Tama na to, nagtatalo na tayo e, alam ko naman yun, minsan talaga walang akong kwenta. Engot-engot lang, pero ewan ko ba. Sya tama na talaga, baka san pa mauwi tong usapan natin e. Tama ba naman kasing kausapin ko nalang ang sarili ko? Ba naman walang makausap. San na ba kasi sila?

7 comments:

  1. kasi naman mag laslas na ang tagal naman!LOL

    ReplyDelete
  2. haha. yoko na nakarecover na ako sa kabwisetan ko sa araw na pinost ko yung blog na yan e. haha. thanks sa pag visit. hope you follow me :D

    ReplyDelete
  3. Hahaha. So ano nga ba ang problema?

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  4. @ Fickle Cattle- Actually yun ang problema, di ko alam kung ano bang problema. Hahaha. Well siguro gusto ko lang kayong i-convince na abnormal ako. Haha :D Okey follow kita, do follow me too sana. Thanks sa pag dalaw. :D

    ReplyDelete
  5. in case you're looking for me sa followers mo, my name's not Fickle Cattle. :-)

    ReplyDelete