May 31, 2013

Kung bakit ka brineyk ng jowa mo?


Siguro kasi tumataba ka na! Aba alam mo naman pala na mahilig sa sexy at balingkinitan ang jowa mo eh bakit mo kasi nilantakan yung handang lechon doon sa fiesta? Bakit inubos mo yung cake sa ref at kinain mo pa yung bahaw na ibibigay na sana sa kumukuha ng kaning baboy?

Siguro kasi hindi ka marunong umintindi! Puro sarili mo lang iniisip mo. Kapag hindi sya nakapag text isang beses magagalit ka na. Hello! Alam mo namang busy ang jowa mo, hindi lang ikaw ang iniintindi nya, hindi lang ikaw ang tao sa buhay nya, meron syang Nanay at Tatay mga kapatid at mga kaibigan. Minsan kasi papansin ka. Gusto mo sayo lang umiikot ang mundo nya.

O baka naman masyado ka nang seloso/ selosa? Makairap ka agad sa kanya eh kinawayan nya lang naman yung batchmate nya na nasa kabilang kalsada. Makakurot ka agad sa hita nya, nabasa mo lang may ibang nagtext sa kanya. Bakit? Ikaw lang ba ang laman ng phonebook nya? Porke jowa mo wala ng karapatang magtext ang iba? Napapapraning ka na nga kakaisip kung ano yung mga maling ginagawa nya eh. Bakit wala na ba syang nagawang tama?

O hindi naman kaya talagang nagising lang yung jowa mo na hindi ka na nya gusto. Na hindi ikaw yung gusto nya, na hindi talaga ikaw yung gusto nya. At nagsisisisi sya kung bakit ka nya nagustuhan dahil hindi ka naman talaga nya gusto? Hindi nga kaya simpleng ganoon lang? NA HINDI KA NA NYA GUSTO.

Hirap naman kasi masyado tayong umaasa sa fairytale. Ayan tuloy hindi na natin matanggap na sadyang may palpak na relasyon. Na hindi naman talaga lahat Happy Ending. Tandaan mo sana kathang isip lang si Cinderella.

Pero kung bakit ka brineyk ng jowa mo??? Aba malay ko!

3 comments:

  1. Hindi na nag match ang kailangan niya sa kailangan mo. Minsan nagbabago nalang bigla ang gusto ng tao.

    ReplyDelete
  2. True! Kasi hindi ka na nya gusto. :)

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete