March 15, 2014

BIRTHDAY BLOG

Woot! Happy Birthday to me! I just came from the church then decided to post a blog since matagal na yung last. Oh no, still can't believe I'm now 23. Hassle! haha.

Thank you Lord God for another year, for another chance to live. Panibagong pagkakataon para maging isang mabuting anak, kapatid, kaibigan at mabuting tao sa kapwa. Ito yung narealize ko lately, kung ano nga bang purpose natin para mabuhay? Para ba magpasikat? Magpacute? Magyabang? Then I found out the answer when I asked myself, bakit nga ba ako nabubuhay? It is because anak ako ng Tatay at Nanay ko na posibleng may magawa ako para sa kanila, na isa akong kapatid, isa akong Tita, isa akong Kaibigan sa mga kaibigan kong nangangailangan ng kaibigan. Isa akong kapwa na kailangan maging mabuti sa kapwa ko tao.

Minsan napaka kumplikado ng buhay, di maiitatanggi. Pero bakit mo ba gagawing kumplikado kung simple lang naman ang kasagutan. Be a blessing to everybody, inspire people around you, maging mabuti ka sa kapwa. 

Thank you again Lord, sa pagkakataon maibahagi ko yung sarili ko sa mga taong nangangailangan ng tawa at saya ko.Sa mga taong naiinsipre ko kahit papaano. Kahit sa pinakasimple at pinaka maliit na paraan, alam ko I am a Blessing. 

:)

1 comment: