November 26, 2013

Gutom lang 'to

(sigh)...

Kung bakit ako nandito? Eh kasi nalulungkot ako. Ewan ko ba, may nagawa yata akong mali. Sabi ko pa naman aba bakit parang ang tagal ko na yatang hindi umiiyak, ayan tuloy ngayon parang pinapaiyak ako ni Lord.

Taon na ang lumipas, akala ko okay..hindi pala. Nakakainis kasi naman parang natatype cast na ako lagi sa ganitong eksena. Parang kanta ni Gary V., yung may lyrics na tananan bumabalik heto na naman.

(sigh)...

Iiyak na yan, iiyak na yan...Bakit ba kasi ganun ang nangyari? Anong nangyari sa ating dalawa? Kanta ni Aiza kay Charice. Sumagot naman ang Charice, I'm not perfect but I'm still
beautiful...uysyaka bakit naman nauwi kay Aiza at Charice?

(sigh)...

Hay! pasensya na napapaisip lang talaga ako. Akala ko kasi talaga, akala ko lang pala. Puro nalang ako akala parang kanta ng parokya. Gawa nalang kaya akong tula at ipa-rap ko kay Abra.

(sigh)...

Naalala ko hindi pa nga pala ako naghahapunan, ikain ko nalang kaya baka sakaling gumaan tong dinarama ko. Eh ano ba kasi yun? Ayon nga akala ko....

(sigh)

LATEPOST I saw it in my Drafts!

No comments:

Post a Comment