June 12, 2014

Anong Zone Ka?

Na- SEENZONED ka na ba?

... yung nag- message ka sa kanya tapos nakalagay "seen" pero hindi sya nagreply. Ang sad diba?

Eh na- SIOPAOZONED ka na ba?

... yung binola- bola ka at asadong- asado ka naman.

o sino na kayang na- JOSHUAZONED?

...(Joshua ng PBB ALL IN) Yung pakikiligin ka muna, hanggang sa ma-fall ka at saka sya hahanap ng iba. Sakit ano?

eh ma-FRIENDZONED? Naranasan mo na ba?

... Yung friend mo na lihim mong minamahal, yung minsan akala mo mahal ka rin nya kasi sweet sya sayo, nagki- care sya, pero "friend" ka lang talaga sa paningin nya. May mas sasakit pa ba dun?

Bakit minsan ang kumplikado ng love? Gusto mo hindi ka gusto, gusto ka hindi mo gusto. Nakakalungkot para sa mga taong dinadanas ang mga ito.

Sana lahat ng ZONED na nabanggit ay maging katulad ng "SLOW DOWN SCHOOL ZONE", para meron kang idea na pwede kang masaktan.

SLOWDOWN baka ma- SEENZONED ka.
SLOWDOWN wag basta magpapadala sa bola at baka ma- SIOPAOZONED ka.
SLOWDOWN masakit ma- JOSHUAZONED
at higit sa lahat SLOWDOWN sa pag- a- assume baka kasi ma- FRIENDZONED ka.

Eh ikaw na nagbabasa nito? Anong ZONE ka?

No comments:

Post a Comment